And yes my first finished project and yes i'm proud kahit na sumakit na ang kamay ko maaral lang ang tinatawag nilang "Crochet" (ni hindi ko nga alam paano bigkasin yan eh, kroshey daw, ok!). Isang araw habang ako ay wala talagang magawa sa opis bilang swineswelduhan ako kahit wala nman ako ginagawa diba ang swerte ko, ay as usual nakatutok na nman ako sa aking mahiwagang gadget at duon kung san san ako napadpad na site. Oh well ang sinesearch ko talga ay tungkol kung paano ipasok sa butas ang sinulid, syempre joke yun, nagseserach ako about sa baking (oha bongga) kasi gusto ko matutong magbake? wishful thinking! Uraurada gusto ko ng magenroll about baking hehe.
Pagkatapos nun biglang gusto ko ang pananahi na naman, ang kagustuhan kong matuto paano manahi sa makina ni monika ang manika..... kaya search ng machine san pwede bumili, search ng pattern ng damit, hanggang sa tadaaaa, napadpad ako sa site ni Kuky at nakita ko ang kanyang mga gawa. Ang dami niyang alam gawin manahi, magcrochet magknit, magdrawing atbp. So bilang isang dakilang inggetera ako (joke) naispire talaga ang aking kagandahan na matuto katulad sa mga gawa niya. (so from baking, to sewing, to crochet etc. etc.)
Ng dahil dyan sa unicorn na yan, una akong nahumaling sa pagggantsilyo! So after office hours bili ako ng mga yarn at ng iba pang gamit. Pagkadating sa mansyon ng aking tiyahin, tinanung ko siya kung marunong ba siyang maggantsilyo, aba oo daw marunong! So ako sige gusto ko gawin ito ( syempre pinakita ko ang picture niyan). So yun turo turo, aba ang hirap pala, ni hindi ako marunong maghawak ng needle, ng sinulid, pailalim ba o pataas, bakit ganun hindi ko mahugot, sumasabit, ang sakit na. Ang sakit sakit na talaga...Ang tigas daw kasi...ng kamay ko!.... In short AYOKO na, hindi para sa akin ang crochet huhuhu!
So dahil dyan SUMUKo ang tita ko dahil paulit ulit ang tanong ko (feeling ko lang gusto na niyang sumuko sa akin hahahaha) Kaya naman nagtiyaga ako na magpractice para hindi naman ako tanung ng tanung. Ambisyosa kasi ako gusto ko agad matuto ng magic ring eh ni paggawa ng chain di ko alam. Akala ko ganun lang kadali pero hindi pala lahat ng nakikita na akala nating madali ay sadyang madali! Ang hirap pala. Buti dumating ang aking Mother Earth, at bilang nanay ko siya ay pwede ko siyang kulit kulitin hanggan sa medyo natuto ako. Hindi ko kasi matanggap na nauna pang matuto ang kapatid kong lalaki kesa sa akin. At lalong nagpababa ng confidence ko na pati ang isang pinsan ko na ilang minuto lang tinuruan ay alam na agad! Waaah bakit ganun? So tyinaga ako ng nanay ko na turuan ako (pinilit ko lang talaga siya na turuan ako at swinelduhan ko talga siya sa pagtutor sa akin, binigyan ko siya ng isang libong kiss joke hahaha) So to cut it short hahahaha! Ito ang una kong nagawa, pinagpawisan talga ang kilikili ko diyan!
Haha ang tawag pala sa crochet na yan ay Agurugurmi? Amiguru? Amirugurugu? ay ewan ano nga ba tawag nga jan ang hirap bigkasin!
Ayun AMIGURUMI daw at sabi ni mareng wikipedia AMIGURUMI (編みぐるみ?, lit. crocheted or knitted stuffed toy) is the Japanese art ofknitting or crocheting small stuffed animals and anthropomorphic creatures. The word is derived from a combination of the Japanese words ami, meaning crocheted or knitted, and nuigurumi, meaning stuffed doll. (oha! may vocabulary na may meaning pa! Anu daw?)
And ulit, ulit ulit ng paulit ulit Meet WADDEE BEANEE! My first Amigurumi!
"Today i don't feel like doing anything!"
"Don't feel like picking up my phone!"
"So leave the message at the tone!"
Me: Nag-aaral ako maggantsilyo!
Siya: Wag ka maggantsilyo fon, MAINIT!
Me: Ha? Anung konek? Di ko magets? Anung connect ng mainit na panahon sa gantsilyo!
Siya: Eh kasi, pagpapawisan kili kili mo!
Me: Ak hahaha gets ko na ( Sana nagets niyo)







Walang komento:
Mag-post ng isang Komento